^

Police Metro

2 katao dedo sa pananaksak sa Tondo

Mer Layson - Pang-masa
2 katao dedo sa pananaksak sa Tondo
Dead on arrival sa Tondo Medical Center ang biktimang si alyas ‘Cezar,’ 21, ng Dayao St., Tondo, habang nasawi naman habang inooperahan ang 16-anyos na dalagitang si alyas ‘Josie,’ ng Maliklik St., Tondo.
STAR / File

MANILA, Philippines — Nasawi ang dalawang katao kabilang ang isang 16-anyos na dalagita na umawat lang habang da­lawa ang nasugatan sa naganap na pananaksak sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center ang biktimang si alyas ‘Cezar,’ 21, ng Dayao St., Tondo, habang nasawi naman habang inooperahan ang 16-anyos na dalagitang si alyas ‘Josie,’ ng Maliklik St., Tondo.

Sugatan naman ang dalawa pang lalaki na ang isa ay nakilalang si alyas ‘Lito,’ 22, ng Infanta St., Tondo.

Agad naaresto at mahaharap sa kasong pagpatay at tangkang pagpatay ang suspek na si alyas ‘Ike.’

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)- Homicide Section, nabatid na dakong ala-1:00 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa Infanta St., Tondo matapos na dumalo sa isang birthday party ang mga biktima at ang suspek.

Ayon kay MPD Homicide chief, PCapt Dennis Turla, dumating sa kasayahan ang suspek,na nakainom na at kahit hindi imbitado ay sumali sa inuman ng mga bisita.

Nauwi ang insidente sa pag-aaway ng isa sa mga sugatang biktima nang bastusin umano ng suspek ang kanyang kasintahan at ilan pang babaeng bisita doon.

Nang maawat ang away, umuwi na umano ang mga biktima ngunit sinundan sila ng suspek, lulan ng isang motorsiklo.

Sa kuha ng CCTV, makikitang bumaba ang suspek ng motorsiklo at kinumpronta ang isa sa mga biktima hanggang sa mauwi ang insidente sa pananaksak.

Dito na umano napatakbo ang dalagita at tangkang umawat lamang sa gulo.

Gayunman, nanghalihaw pa umano ang suspek ng saksak, gamit ang isang balisong, sanhi upang masaksak rin ang dalagita at dalawang iba pa.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with