^

Police Metro

17 Abu Sayyaf hinatulang guilty sa 2000 ‘Sipadan kidnapping’

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hinatulang guilty ng Taguig court sa kasong kidnapping at serious illegal detention with ransom ang labing pitong lider at miyembro ng Abu Sayyaf group na responsable sa pagkidnap sa 21 indibidwal mula sa Malaysia noong 2000.

Sa 157-pahinang desisyon na ibinigay ng Taguig City Regio­nal Trial Court (RTC) Branch 153 na may petsang Oktubre 16, 2024, sinabi ng presiding judge na si Mariam Bien na ang mga akusado ay sinentensiyahan ng reclusion perpetua para sa bawat isa sa 21 count ng mga krimen.

Kinilala ang mga akusado na sina: Alkaiser Baladji, Omar Galo, Muner Jumalla, Najer Ibrahim, Jahid Susukan, Hilarion Santos, Ben Najar Abraham, Said Massud, Hajid Elhano, Jundam Jawad, Aljunib Hashim, Michael Pajiji, Alhadi Aylani, Dhad Suraidi, Julkipli Salih, Saltimar Sali, at Redendo Dellosa.

Inutusan din ang mga akusado na bayaran ang 21 biktima ng P100,000 bilang civil indemnity; P100,000 bilang moral damages; at isa pang P100,000 bilang exemplary damages—lahat ay may interes sa rate na 6% kada taon mula sa petsa ng pagtatapos ng paghatol hanggang sa ganap na pagbabayad.

Matatandaan na ang mga miyembro ng Abu Sayyaf noong Abril 2000 ay kumidnap ng 21 katao, kung saan 10 ay Western tourist, 9 ay Malaysian, at 2 ay Filipino mula sa isang dive resort sa Sipadan, Malaysia.

Dinala ang mga biktima sa Sulu habang nangingikil ang ASG ng ransom money mula sa pamilya ng mga hostage at sa gobyerno.

Karamihan sa mga bihag ay pinalaya sa mga sumunod na buwan matapos mabayaran ang ransom money sa mga kidnapper. Ang huling bihag, si Roland Ulla, na isang Pilipino, ay nakatakas noong Hunyo 6, 2003.

KIDNAPPING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with