^

Police Metro

Para ma-liquidate ang P15 milyong DepEd confidential funds… AFP officials ‘di pabor sa paggamit sa kanila ni VP Sara

Joy Cantos - Pang-masa
Para ma-liquidate ang P15 milyong DepEd confidential funds� AFP officials �di pabor sa paggamit sa kanila ni VP Sara
Vice President Sara Duterte announced her resignation as Department of Education (DepEd) Secretary during a press conference at the DepEd main office in Pasig City on June 19, 2024.
Photos courtesy of the Office of the Vice President

MANILA, Philippines — Hindi umano payag ang mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ginawa ni Vice President Sara Duterte na gamitin ang inilabas nilang sertipikasyon sa pag-liquidate ng P15 milyong halaga ng confidential funds ng Department of Education (DepEd) dahil hindi naman ito sa kanila napunta.

Kung alam lamang umano nina retired Maj. Gen. Adonis Bajao, Lt. Col. Carlos Sangdaan Jr., Colonels Manaros Boransing at Magtangol Panopio na sa ganito gagamitin ang hininging sertipikasyon ay hindi sila magbibigay nito.

Ang apat ay tinanong ni Bukidnon 2nd District Rep. Jonathan Keith Flores sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability noong Huwebes kaugnay ng mga iregularidad sa paggamit ng pondo ni VP Duterte. Humingi umano ng sertipikasyon ang DepEd sa AFP kaugnay ng isinagawang Youth Lea­dership Summits (YLS), isang regular na programa ng mga sundalo laban sa insurgency noong 2023.

Ang AFP at mga lumahok na lokal na pamahalaan umano ang gumastos sa programa. Pero ginamit umano ng DepEd ang mga sertipikasyon upang patunayan at bigyang katwiran ang paggastos ng P15 milyong confidential fund na inilista bilang bayad sa mga impormante.

Sinabi pa ni Boransing na bahagi ng patakaran ng AFP ang hindi pagbibigay ng certifications sa mga event o gastos na walang direktang kinalaman ang militar.

Itinanggi ng lahat ng apat na opisyal na alam nila na ang kanilang mga sertipikasyon ay gagamitin upang suportahan ang pahayag ng DepEd na gumagamit ito ng mga confidential funds para sa mga pabuya sa mga informant.

vuukle comment

DEPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with