^

Police Metro

Planong probe ni Bato sa drug campaign ng nagdaang administrasyon, nakakatawa - Ex-VP Leni spokesman

Joy Cantos - Pang-masa
Planong probe ni Bato sa drug campaign ng nagdaang administrasyon, nakakatawa - Ex-VP Leni spokesman
Senator Ronald “Bato” dela Rosa answers questions from the media during a press conference at the Senate in Pasay City on September 18, 2024.
STAR/ Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Isa lamang umanong katawa-tawa ang pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na magsasagawa ito ng hiwalay na imbestigasyon sa Senado hinggil sa drug campaign ng nagdaang administrasyon.

Ayon kay Atty. Barry Gutierez,spokesman ni dating Vice President Leni Robredo, paano mag-iimbestiga ang isang tao na siya mismo ay may malaking papel sa naturang drug campaign. “Ang lakas talaga magpatawa ni Sen. Eh siya nga ang tinuturo ng mga testigo na may sala e, tapos gusto niya siya ang mag-imbestiga,” wika ni Gutierez.

Bagama’t hindi umano naisama ni Retired Police Colonel Royina Garma sa kanyang affidavit si Dela Rosa na nagsangkot kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Bong Go bilang nasa likod ng drug war killings, ito naman anya ay nasa matrix na naihanda ni Garma at naiprisinta sa quad committee.

Sa matrix, pinagkatiwalaan umano si Dela Rosa nina Duterte at Go na maipatupad ang drug war sa pamamagitan ng pakikipag- ugnayan sa mga opisyal ng PNP na binigyan ng reward money para maipamahagi sa mga taong magsasagawa ng drug war killings.

Ang bagay na ito ay pinabulaanan ni Dela Rosa at nagsabing nakilala niya si Garma dahil malapit siya sa dating Pangulo. Gayunman, inakusahan din ng umano’y drug lord Kerwin Espinosa si Dela Rosa na umano’y ito ang nag-utos sa kanya na isangkot si da­ting Senador Leila de Lima sa drug trade.

DRUG CAMPAIGN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with