^

Police Metro

Pangasinan, Urdaneta mayor, sinuspinde ng Sangguniang Panlalawigan

Artemio Dumlao - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagpataw ng isang taon na pagkasuspinde sa puwesto ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan laban kay Urdaneta Mayor Julio F. Parayno III.

Sa ilalim ng Provincial Resolution number 958-2024 ay inaprubahan nito ang unang desisyon ng Committee on Good Government and Accoun­tability of Public Officers, Justice and Human Rights na nagpaparusa kay Mayor Parayno dahil sa paglabag sa dalawang probisyon ng Republic Act 11032 o Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.

Una nang napatunayan ng Anti-Red Tape Autho­rity (ARTA) na lumabag si Pa­rayno sa naturang batas nang tumangging magpalabas ng business permit sa REVM Tiposu Poultry Farm Inc. noong 2021.

Ito ang naging basehan ng Pangasinan SP Committee on Good Government and Accountability para eendorso noong August 2024 na suspendihin si Parayno ng 90 araw na nilagdaan ni Pangasinan Governor Ramon V. Juico III.

Noong September 2024, nalagay pa sa balag ng ala­nganin ang posisyon ni Pa­rayno nang kasuhan ito ng videographer na si Jairus Bien Fernandez Sibayan ng Pangasinan Information and Media Relations Office (PIMRO) dahilan sa ginawang pananampal sa kanya at pagkuha sa kanyang camera at pagsalitaan ng masama nang idodokumento ang isinilbing preventive suspension noong August 12,2024.

SANGGUNIANG PANLALAWIGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with