Duterte: Walang ‘reward system’ sa drug war
‘Tanging pagkain at pagbati lang binigay ko’
MANILA, Philippines — Nagsalita na si dating Pangulong Rodrigo Duterte at mariing itinanggi na nagkaroon ng “reward system” sa kanyang administrasyon sa pagpapatupad ng “war on drugs” sa pangunguna ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay Duterte, walang reward system at tanging pagkain ang pabuya at pagbati lang ang ibinibigay niya sa mga pulis na matagumpay na natapos ng kanilang misyon.
Giit pa ng dating Pangulo, hindi rin niya kailanman inutusan ang kapulisan na pumatay ng sinuman.
Matatandaan na ibinunyag sa pagdinig ng House Quad Committee ng malapit kay Duterte na si dating retired police Col. Royiba Garma na mayroong cash reward na binabayaran sa bawat pagpatay sa drug war ng administrasyong Duterte na mula P20,000 hanggang P1-milyon.
Base sa rekord ng PNP, umabot sa mahigit 6,000 ang drug personalities ang napatay sa war on drugs ng Duterte administration.
- Latest