^

Police Metro

Nagkalat na laruan may nakalalasong kemikal

Ludy Bermudo - Pang-masa
Nagkalat na laruan may nakalalasong kemikal
Ang bagong serbisyo sa pakikipagtulungan sa Land Transportation Office (LTO) ng PITX, kung saan puwede nang maire-renew ang rehistro ng motor vehicle (MV) at motorcycle (MC) sa PITX.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nagkalat na umano sa merkado ang mga panregalong laruan ng mga bata na may nakalalasong kemikal.

Ayon ito sa grupong BAN Toxics kung kaya nanawagan sila sa mga regulatory agencies ng gobyerno na agarang magsagawa ng inspeksyon at pagkumpiska sa mga itinitindang laruan sa merkado na nagtataglay ng nakalalasong “lead” upang maiwasang malantad ang mga bata na makatatanggap nito bilang regalo ngayong Kapaskuhan.

“We are calling on the Food and Drug Adminis­tration (FDA) and the Department of Trade and Industry (DTI) to prevent exposing our children to unsafe toys that may contain toxic chemicals such as lead,” ayon kay Thony Dizon, BAN To­xics Campaign and Advocacy Officer.

Ibinunyag ng grupo na natukoy nila na 41 sa 50 samples na laruan mula sa mga tindahan at sidewalks sa lungsod ng Pasay, Que­zon City at Maynila, ang nasuri nila gamit ang Vanta C Series XRF Chemical Analyzer, na nagtataglay ng lead, na nasa 16 parts per million (ppm) hanggang 4,600 ppm ang antas.

Kabilang sa kanilang namonitor simula noong Setyembre ang toy cars and trucks, manika, musical instruments, robots, battery-operated toys, toddler squeaky toys, food-shaped toys, kitchen and  dinner sets, makeup set toys, basketball toys, bubble toys, dinosaurs, mini billiards, marbles, at sports toys na pawang walang wastong label,na paglabag sa Republic Act (RA) 10620 (Toy and Game Safety Labeling Act of 2013).

BAN

DTI

FDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with