^

Police Metro

VP Sara kay Pangulong Marcos: Hindi marunong maging Presidente

Ludy Bermudo - Pang-masa
VP Sara kay Pangulong Marcos: Hindi marunong maging Presidente
Nagsagawa kahapon si Vice President Sara Duterte ng press conference sa kanyang opisina sa Mandaluyong City, na tinawag niyang “Drag Me to Hell Presscon” na kung saan ay pinag-usapan ang iba’t ibang isyu na binabato sa kanya ng kasalukuyang administration.
Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Inakusahan kahapon ni Vice President Sara Duterte si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na walang alam kung paano umano pangasiwaan ang bansa.

“Hindi ko kasalanan that we’re on this road to hell, hindi marunong maging Presidente ang nakaupo,” pahayag ni Duterte sa isang press conference sa Mandaluyong City na dahilan umano niya kaya’t siya nagbitiw bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).

“Kaya ako umalis sa administration, ‘di ba? Hindi ko na gusto yung mga naririnig ko dun, yung mga nakikita ko dun,” dagdag nito.

Ayon pa kay Duterte na kung siya ang tatanungin na ang bansa ay walang “Number One.”

“Kung presidente ninyo siya, okay lang. Ako, hanggang Number Two lang itong bansa na ito, wala itong Number 1 para sa akin,” wika ni Duterte.

Nang tanungin ng media kung i-rate niya ang performance ni Marcos bilang chief executive mula 1 to 10 na ang 10 ang pinakamataas ay sinabi ni Duterte na bibigyan niya ito ng 1 dahil wala naman umanong plano si Marcos tungkol sa food security at inflation.

“I don’t ever remember may plataporma siya. I don’t ever remember him discussing kung anong gagawin sa problema ngayon,” wika ni Duterte.

“Nagkakausap lang kami dahil sa trabaho, hindi naman lahat ng katrabaho natin kaibigan natin, di ba?” pagbibigay nito ng diin nang tanungin ang pagiging magkaibigan nila ng Marcos.

Tumanggi ang Malacañang na magkomento sa mga naging pahayag ng Vice President.

vuukle comment

SARA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with