^

Police Metro

Duterte makakasuhan ng murder - CIDG

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — May posibilidad na makasuhan ng murder si dating Pangulong Rodrigo Duterte bunsod ng ipinatupad nitong extra judicial killings (EJK) sa panahon ng kanyang administrasyon.

Ito ang sinabi ni Phi­lippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) chief PBGen. Nicolas Torre III kaugnay na rin ng kanilang ginagawang paghihimay sa mga ebidensiya na makapagdadawit sa dating Pangulong Duterte.

“Pag may makita tayong link ng kahit sino, including the former president, then so be it. We will include them to the charges if the evidence warrants,” ani Torre.

Dagdag pa ni Torre na ang extrajudicial killings ay maaaring ituring na murder.

Batay sa pagtaya ng PNP, nasa 6,000 drug suspects ang namatay sa anti-drug operations suba­lit sa record ng human rights groups, pumalo ang mga biktima sa 30,000 kabilang na ang mga unreported killings.

CIDG

EJK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with