^

Police Metro

Gr. 10 ginahasa ng titser sa klasrum sa Nueva Ecija

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga otori­dad ang 24-anyos na lalaking guro sa kasong panggagahasa sa kaniyang menor de edad na babaeng estudyante sa loob ­mismo ng silid-aralan ng isang eskuwelahan sa Talugtog, Nueva Ecija.

Base sa imbestigas­yon ng pulisya na nangyari ang panghahalay sa biktimang Grade 10 student noong gabi ng October 8, 2024.

Nabatid na mayroon umanong aktibidad sa iskul nang mangyari ang insidente. May mga kaklase ring naroon ang biktima, pero ng pagabi na ay pinauwi umano ng guro ang mga estudyante maliban sa biktima dahil may problema umano ito sa kanyang grado na kailangang ayusin.

Matapos nito ay tinanggal umano ng guro ang koneksyon sa closed circuit television (CCTV), pinatay ang ilaw at dito na isinagawa ang pang-aabuso sa estud­yante.

Matapos ang panghahalay ay binantaan umano ng guro ang biktima na huwag magsusumbong kung ayaw na ibagsak siya sa klase.

Subalit, pag-uwi ay napansin ng mga magulang na umiiyak ang biktima kaya tinanong nila ang dahilan at agad umamin ang biktima sa ginawang kababuyan ng guro.

Agad ding nadakip ang suspek na mahaharap sa kasong statutory rape.

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with