^

Police Metro

Tanker at Lorries na may smuggled fuel, nakumpiska sa BOC sa Batangas port

Mer Layson - Pang-masa
Tanker at Lorries na may smuggled fuel, nakumpiska sa BOC sa Batangas port
Nauna rito, nakatanggap ng derogatory information ang BOC-Customs Intelligence and Investigation Service (BOC-CIIS) kaya't nagkasa ng joint operation ang CIIS at Enforcement and Security Service (ESS) na nagresulta sa pagkakahuli sa MTKR Cassandra na naglilipat ng petroleum products sa apat na lorry tankers.
STAR/File

MANILA, Philippines — Sa kasagsagan ng pinaigting na crackdown laban sa “paihi” modus, o ilegal na paglilipat ng langis, nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) ang isang fuel tanker at apat na lorries na naaktuhang naglilipat ng smuggled fuel sa Port of Batangas, kamakalawa.

Nauna rito, nakatanggap ng derogatory information ang BOC-Customs Intelligence and Investigation Service (BOC-CIIS) kaya't nagkasa ng joint operation ang CIIS at Enforcement and Security Service (ESS) na nagresulta sa pagkakahuli sa MTKR Cassandra na naglilipat ng petroleum products sa apat na lorry tankers.

Kaagad silang nagsagawa ng SGS fuel marking testing sa subject fuel na nagkaroon ng failed results at nangangahulugan na ang mga naturang fuel ay walang proper markings na indikasyon na hindi ito nagbabayad ng tamang duties and taxes sa pamahalaan.

Dahil dito, kaagad na nag-isyu ang District Collector ng BOC-Port of Batangas ng Warrant of Seizure and Detention laban sa subject fuel, vessel, at lorries.

Ayon kay BOC Commissioner Bien Rubio, ang operasyon ay isinagawa nila bilang tugon sa mga impormasyong talamak ang fuel pilferage sa mga pantalan.

Tiniyak naman ni BOC-Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) Director Verne Enciso, na ang grupo ang siyang nanguna sa operasyon, katuwang ang BOC-ESS, na matagal na silang mahigpit na nagmamatyag laban sa paihi modus.

“When we received the information about the illegal activities at the Port of Batangas, we immediately verified it through our sources and made plans to inspect the said port. Our coordination with the local port officers and enforcement units led us to MTKR Cassandra, which we caught in the act of transferring fuel products into the lorries on Tuesday night,” aniya. Anang opisyal, kaagad nilang hiningian ang kapitan ng barko ng listahan ng mga tripulante nito, gayundin ng mga dokumento, upang patunayan ang legalidad ng berthing at discharge.

Gayunman, bigo umano ang kapitan na magpakita ng mga dokumento, maliban sa crew’s seaman’s books, na nagresulta sa pagkumpiska sa barko at lorries, na ngayon ay nakadaong na sa breakwater sa bisinidad ng Batangas port at binabantayan ng BOC personnel.

Sinabi naman ni Intelligence Group Deputy Commissioner Juvymax Uy na lumitaw sa imbestigasyon na ang dalawang lorry trucks ay naglalaman ng 40,000 litro at 14,000 litro ng unmarked fuel. Ang dalawang iba pa ay walang laman, ngunit kinumpiska na rin, kasama ang isang L300 van na ginagamit sa fuel smuggling.

Ang may-ari, ship captain, at crew ng mga kinumpiskang vessels, fuel, at lorries ay maaaring maharap sa mga kasong paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), gayundin sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law. Ayon sa BOC, ang estimated value ng 1.8 milyong litro ng fuel na natagpuan sa MTKR Cassandra ay P90 milyon, base sa market price na P50 per liter, habang ang small marine tanker ay humigit-kumulang sa P300 milyon at ang lorries ay nasa P3 milyon bawat isa o kabuuang P12 milyon.

BUREAU OF CUSTOMS (BOC)

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with