^

Police Metro

Apela na hospital arrest ni Quiboloy, ibinasura ng korte

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ibinasura ng hukuman ang kahilingan ng kampo ng detenidong si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy na maisailalim ito sa hospital arrest.

Nabatid na noong Setyembre, umapela ang kampo ni Quiboloy sa Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 159 na ma-hospital arrest ito, gayundin ang kanyang kapwa akusado na si Ingrid Canada.

Iginiit nito na may medical conditions sina Quiboloy at Canada at nahihirapan sa kanilang pananatili sa custodial facility.

Ayon kay Atty. Israelito Torreon, abogado ni Quiboloy, maghahain sila ng motion for consideration upang iapela ang naturang desisyon ng hukuman.

Si Quiboloy ay nahaharap sa non-bailable qualified human trafficking charge at child abuse na kasaluku­yang nakapiit sa Philippine National Police Custodial Center sa loob ng Camp Crame.

Si Canada naman ay nakapiit sa Pasig City Jail, kasama ang iba pa nilang kapwa akusado.

vuukle comment

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with