^

Police Metro

Walang botante ang mga Duterte - Gadon

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Walang botante ang mga Duterte - Gadon
Former president Rodrigo Duterte filed his certificate of candidacy for Davao City mayor on Oct. 7, 2024.
Bong Go via Facebook

MANILA, Philippines — “Walang botante ang mga Duterte kaya hindi dapat pangambahan sa darating na halalan.” Ito ang tahasang ­sinabi ni Presidential ­Adviser on Poverty Alleviation (PAPA) Secretary Larry Gadon.

Ang pahayag ni Gadon ay bunsod ng paglitaw na si Vice President Sara Duterte ang mabigat na kandidato sa darating na presidential elections sa 2028.

“The Dutertes are not major formidable political brand. Philippine politics is divided into two major groups - Marcos vs Aquino. Now is second generation rivalry, but while Marcos has heirs to the Marcos brand, the Aquino brand name only has closest kin Bam Aquino and extended by yellow Liberal party stalwarts who solidly and un-bashly espouse the Ninoy Aquino brand,” ani Gadon.

Dagdag pa ng Malacañang official, nanalo lamang si dating pangulong Rodrigo Duterte noong 2016, dahil sa suporta ng mga Marcos loyalists.

Paliwanag ni Gadon, nakakuha ng 15 milyong boto si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. noong 2016 nang tumakbo ito sa pagka-bise presidente.

Nasa 2.5 milyong boto ang nakuha ni dating Senador Miriam Defensor Santiago habang 12.5 mil­yon naman ang nakuha ng ­dating Pangulong Duterte sa pangakong maililibing sa Libingan ng mga Bayani ang matandang Marcos.

GADON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with