^

Police Metro

Estudyante utas, 3 sugatan sa rambol

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang estudyante ang nasawi habang tatlo ang sugatan sa naganap na rambol, kama­kalawa sa Quezon City.

Ang biktima na idineklarang dead on arrival sa Bernardino Hospital ay kinilalang si Kurt Brian Zamora Villoria, 19, residente ng North Triangle, Brgy. 177, Caloocan City habang nasugatan ang tatlong suspek na sina Justine Renan Bormante, 20, tricycle driver ng Rosal Street, Brgy. 178, Caloocan City; Jamil Jocson, 18 ng Wa­ling-waling Ext. Area C, Brgy. 174, Caloocan City;  at “Yel”, 15 na kapwa dinala sa Tala Hospital.

Sa inisyal na imbestigasyon, nangyari ang insidente, alas-3:00 ng madaling araw sa harap ng Aqua Boy Resort sa Oriole Street kanto ng Flamingo Street, Zabarte Subdivision, Brgy. Kaligayahan, Quezon City.

Lumilitaw na nasa resort ang biktima kasama ang iba pang mga kaibigan nang makasagutan ang grupo ng mga suspek na miyembro ng True Brown Style (TBS) na nasa 30.

Lumabas ng resort si Zamora kasama ang isang kaibigan upang hintayin ang isang babaeng kaibigan nang komprontahin ng ilan sa mga suspek.

Dito na nagsimula ang rambol hanggang sa  bumunot ng patalim si Alyas Gelo at pinagsasaksak si Zamora.

Agad namang rumes­ponde ang mga otoridad subalit mabilis na nagpulasan ang mga suspek.

Nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang pulisya upang malaman ang tunay na pinagmulan ng gulo.

vuukle comment

RIOT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with