^

Police Metro

Dagdag-presyo sa petrolyo papalo sa higit P2

Angie dela Cruz - Pang-masa
Dagdag-presyo sa petrolyo papalo sa higit P2
This photo shows oil pumps in a gasoline station in Manila.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Papalo sa mahigit P2 ang dagdag sa presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.

Inaasahang magtataas ng hindi bababa sa P2 kada litro ang presyo ng petrolyo ng mga kum­panya ng langis dahil sa lumalalang kaguluhan sa Middle East.

Ayon sa pagtaya ni Rodela Romero, director ng Department of Energy Oil Industry Management Bureau, maaaring tumaas ng P2 hanggang P2.30 ang kada litro ng gasolina. Ang diesel naman ay mula P2.35 hanggang P2.65.

Inaasahang magkakaroon ng pinakamalaking pagtaas ang presyo ng kerosene o gaas mula P2.45 hanggang P2.55 kada litro.

Kadalasang inaanunsiyo ng mga kumpanya ng langis ang kanilang official prices tuwing Lunes at ipinatutupad ito kinabukasan o sa araw ng Martes.

OIL PRICE HIKE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with