Ex-DOH Sec. Duque lusot sa admin case
MANILA, Philippines — Ibinasura ng Office of the Ombudsman (OMB) ang mga reklamong administratibo laban kay dating Department of Health (DOH) secretary Francisco T. Duque III kaugnay sa maanomalya umanong pagbili ng P41.4 billion COVID-19 supplies noong 2020.
Sa 10 pahinang desisyon, ibinasura ang mga kasong Grave Misconduct, Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service at Gross Neglect of Duty laban kay Duque.
Kinatigan ng OMB ang pinag-isang motion for reconsideration at supplement ni Duque na apela sa May 6 decision ng OMB.
Batay sa naturang desisyon, inatasan si Duque at mga kapwa respondent na matanggal sa serbisyo st pinagbawalan na magtrabaho muli sa anumang sangay ng pamahalaan.
Sumang-ayon ang OMB sa depensa ni Duque na hindi na siya sakop ng administrative complaint dahil natapos na ang kanyang tungkulin nang matapos ang termino ni dating Pangulong Duterte noong Hunyo 30, 2020.
Sinabi ng OMB naawala nang saysay ang kaso laban kay Duque.
- Latest