Scam hub sa makati ni-raid: 17 dayuhan timbog
MANILA, Philippines — Sinalakay ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI)-Cybercrime Division ang isang 5-storey building na na hinihinalang “scam hub” sanhi ng pagkakaresto ng may 17 dayuhan sa Makati City, Biyernes ng gabi.
Nabatid na 15 sa mga naaresto ay Chinese national, isa ang Taiwanese at isang Malaysian national.
Ilang Pinoy na tagapagsilbi lamang sa mga dayuhan na naabutan sa nasabing hub ang inimbitihan din ng NBI para sa imbestigasyon.
Sa ulat, pasado alas-11:00 ng gabi ng Oktubre 11, nang isagawa ang operasyon gamit ang search warrant laban sa nasabing scam hub na matatagpuan sa Barangay Tejeros, Makati.
Mayroong 20 work sta-tion ang gusali, may ‘couple room’, lahat ng silid ay may kama at sariling banyo, habang ang commissary ay nasa rooftop.
Ang mga tagapagsilbing Pinoy ang naghahatid ng mga pagkain sa mga silid ng mga dayuhan kaya hindi na kailangang lumabas pa ng gusali ang mga ito.
Narekober ang mga computer, sim cards, cellphones, at mga notebook na naglalaman ng mga script sa operasyon ng investment scam at cryptocurrency scam.
Ayon sa NBI, isasalang sa forensic examination ang mga computers, cellphone at sim cards para sa pagtukoy sa kung kailan pa nagsimula, kung saan nanggagaling ang mga kliyente at kung anu-anong scam ang pinapasok ng grupo.
- Latest