^

Police Metro

12-anyos, walang habas na nagpaputok sa klasrum, arestado

Joy Cantos - Pang-masa
12-anyos, walang habas na nagpaputok sa klasrum, arestado
Ang menor-de-edad na estudyante ay itinago sa pangalang “Junex”, Grade 7 student ng nasabing school.
File

MANILA, Philippines — Arestado ang isang 12-anyos na estudyante nang walang habas na iputok ang kanyang dalang baril sa loob ng kanilang classroom na ikinabulabog ng buong iskul at mga kapwa estudyante sa Dumaguete City, Negros Oriental kamakalawa.

Ang menor-de-edad na estudyante ay itinago sa pangalang “Junex”, Grade 7 student ng nasabing school.

Sa report ni P/Major Fortunato Villafuerte Deputy Chief of Police ng Dumaguete Police Station, dakong alas-12:42 ng tanghali nang maganap ang insidente sa isa sa mga klasrum ng Negros Oriental High School sa nasabing lungsod. 

Sa ulat Dumageute City Police, naka-breaktime sa klase ng mga estudyante matapos na lumabas ang kanilang guro sa silid-aralan para mananghalian.

 Inilabas umano ni Junex ang kalibre .45 na baril na nakatago sa bag nito saka pinaputok nang sunud-sunod sa may bintana ng kanilang silid-aralan na lumikha naman ng matinding takot sa mga kapwa estudyante.

 Nagpanakbuhan ang mga estudyante sa ma­tinding takot habang tumawag naman ng mga pulis ang kanilang mga guro at nasakote ang batang mag-aaral

 Isinailalim na sa kustodya ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ng Dumaguete ang bata habang inaalam na ng pulisya kung saan nito nakuha ang nasabing armas, at papanagutin ang nagpabaya.

vuukle comment

BARIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with