^

Police Metro

EJKs ipinadedeklarang heinous crimes sa Kamara

Joy Cantos - Pang-masa
EJKs ipinadedeklarang heinous crimes sa Kamara
Nagsagawa ang mga miyembro ng iba’t ibang grupo kabilang ang mga kaanak na biktima ng extrajudicial killing ng drug war, ng kilos protesta sa House of Representative sa Quezon City at nanawagan ng hustisya sa mga naging biktima ng drug war ni dating Pangulong Duterte.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Isang panukala ang inihain sa Kamara na nagkaklasipika sa extrajudicial killings (EJKs) na isinagawa ng mga opisyal ng pamahalaan bilang isang uri ng heinous crime.

Ang House Bill (HB) No. 10986 o ang Anti-Extra Judicial Killing Act ay iniakda ni Senior Deputy Speaker ­Aurelio “Dong” ­Gonzales Jr., Deputy Speaker David “Jayjay” Suarez at Quad Committee Co-chairmen Reps. Ro­bert Ace Barbers, Bienvenido ­“Benny” Abante, Dan Fernandez at Stephen Joseph “Caraps” Paduano.

Ang paghahain ng panukalang batas ay base sa resulta at rekomendasyon ng Quad Committee na nag-iimbestiga sa EJKs ‘in aid of legislation’ na naglalayong magkaloob ng legal na batayan upang matugunan ang nasabing mga krimen at tiyakin ang pananagutan ng mga sangkot dito.

 Sakaling mapagtibay ang panukalang batas, ang EJK ay ikaklasipika bilang heinous crimes na nangangahulugan na sinuman ang mapatunayang guilty ay mapapatawan ng mabigat na kaparusahan ng batas na kinabibilangan ng habambuhay na pagkabilanggo o reclusion perpetua na walang posibilidad ng parole.

vuukle comment

EXTRAJUDICIAL KILLINGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with