^

Police Metro

59% ng pamilyang Pinoy ‘pobre’ tingin sa sarili – survey

Mer Layson - Pang-masa
59% ng pamilyang Pinoy âpobreâ tingin sa sarili â survey
A pedestrian walks past tricycles, locally known as padyak, for sale in a neighbourhood in Manila.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Mas maraming Pinoy na kinukonsidera ang kanilang sarili bilang “mahirap” sa third quarter ng 2024, base sa survey na ginawa ng Social Weather Stations (SWS) mula Sept. 14 hanggang 23 at isinapubliko nitong Oktubre 9 lamang.

Lumitaw sa naturang survey na 59% ng mga pamilyang Pinoy o tinatayang aabot sa 16.3 milyon ang nagsabi na ikinukonsidera nila ang kanilang pamilya na mahirap.

Bahagya itong mas mataas sa 58% sa nakalipas na SWS survey noong Hunyo, o nadagdagan ng nasa 300,000 pamilya mula sa dating 16 milyon lamang.

Anang SWS, nakapagtala sila ng pinakamalaking pagtaas ng self-rated poverty sa Metro Manila.

Sa kabila naman ng naturang pagtaas, ang Metro Manila pa rin ang mayroong pinakamababang self-rated poverty rate na nasa 52%.

Sumunod ang Ba­lance Luzon na may 55%; Visayas na may 62% at Mindanao na may 67%.

Samantala, nasa 13% naman ng mga pamilyang Pinoy ang ikinukonsidera ang sarili bilang borderline poor, na mas mataas sa 12% noong Hunyo.

Kabuuang 28% naman ng Filipino families ang ikinukonsidera ang sarili na not poor, o dalawang puntos na mas mababa sa 30% noong Hunyo.

Nakapagtala rin ang SWS ng 9.1% na pamilya na ‘newly poor’ o hindi dating ikinukonsidera ang sarili na mahirap.

Ang mga self-rated food poverty naman sa mga pamilyang Pinoy ay nasa 46% noong Setyembre, na walang pagbabago noong Hunyo.

Ang naturang SWS survey ay nilahukan ng 1,500 adult respondents sa buong bansa, gamit ang face-to-face interviews.

POVERTY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with