^

Police Metro

‘Crypto king’ na nang scam ng P600 milyon, nasakote

Doris Franche-Borja - Pang-masa
âCrypto kingâ na nang scam ng P600 milyon, nasakote
Sinabi ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) National ­Capital Region (NCR) director Col. Marlon Quimno na ang suspek na si alyas “Joshua”, ay naaresto sa Barangay San Juan, Noveleta, Cavite nitong Lunes ng alas-8:00 ng gabi.
Photo Release

MANILA, Philippines — Nasakote ng mga otori­dad ang isang 23-­anyos na lalaki na binansagang “cryptocurrency scam king” na nanloko ng aabot sa P600 milyon mula sa kanyang mga biktima sa pamamagitan ng investment scam.

Sinabi ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) National ­Capital Region (NCR) director Col. Marlon Quimno na ang suspek na si alyas “Joshua”, ay naaresto sa Barangay San Juan, Noveleta, Cavite nitong Lunes ng alas-8:00 ng gabi.

Ang suspek ay may dalawang warrant of arrest na inisyu ng mga lokal na korte sa mga lungsod ng Makati at Parañaque para sa estafa sa ilalim ng Article 315 ng Revised Penal Code.

“Ito ay hindi lamang isang simpleng cryptocurrency scam. Gina­gamit din niya ang pera sa mga casino. Mang-eengganyo siya ng mga biktima at pagkatapos ay hindi niya ibabalik ang pera. Ito ang dahilan kung bakit ito ay isang mala­king kaso at ito ay naiulat dati ng media at ang mga biktima ay kilalang personalidad sa media, mga opisyal ng pulisya at mga em­pleyado ng gobyerno na naging biktima wika ni Quimno.

Sinabi ni Quimno na plano nilang sampahan ng kasong large scale estafa ang suspek na isang non-bailable offense.

Ang cryptocurrency investment scam ay isang modus ng mga scammer na umaakit sa mga investor na mag-invest ng pera para sa isang huwad na pamumuhunan.

SCAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with