Quiboloy, naghain ng kandidatura para sa pagka-senador – Comelec
MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Commission on Election (Comelec) spokesman Atty. John Rex Laudiangco, na naghain ng kandidatura sa pagka-senador si Kingdom of Jesus Christ Leader Pastor Apollo Quiboloy na inihain ng kaniyang abogado na si Atty. Mark Tolentino kahapon ng hapon, na siyang huling araw ng COC filing para sa May 2025 National and Local Elections (NLE).
Bago ito, nagpa-survey ang mga tagasuporta ng pastor, kung pabor daw ba ang publiko na tumakbo ito bilang senador.
Inamin naman ni Chairman George Erwin Garcia na malaya ang sinuman na maghain ng COC, hangga’t wala pa itong hatol sa kinakaharap na kaso.
Si Quiboloy ay nananatili sa Philippine National Police Detention Facility sa Camp Crame, Quezon City dahil sa patung-patong na kasong kaniyang kinakaharap.
- Latest