Abalos, Pacquiao, Honasan, Singson, Querubin tatakbong senador
MANILA, Philippines — Naghain kahapon ng certificate of candidacy (COC) sina Interior Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr., dating Senator Manny Pcquiao, dating Senator Gregorio Honasan, dating Marine Col. Ariel Querubin at dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson.
Matapos ang pormal na paghahain sa kanyang kandidatura, itinuring na ngayong nagbitiw sa puwesto sa Department of the Interior and Local Government (DILG) si Abalos.
Nais namang magbalik sa Senado ni Pacquiao na kakandidato rin sa senatorial slate ng administrasyon.
Unang nahalal na senador si Pacquiao noong 2016 nang kumandidato siya sa ilalim mg Partido Demokratiko Pilipino ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Una namang nahalal na senador si Honasan noong 1995 at naputol ang kanyang huling termino sa Senado noong 2018 matapos siyang italaga bilang kalihim ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Sinabi naman ni Querubin na dating sundalo na iniaalay niya muli ang kanyang sarili para sa bayan. Habang si Singson ay unang tumakbo sa Senado noong 2007 sa ilalim ng “Team Unity,” isang koalisyon ng mga kandidatong nakahanay kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
- Latest