Enrile, Reyes at Napoles absuwelto sa kasong plunder
MANILA, Philippines — Inabsuwelto ng Sandiganbayan si dating Senador at ngayon ay Presidential legal Counsel Juan Ponce Enrile kaugnay ng kinakaharap na kasong pandarambong na may kinalaman sa pork barrel fund scam.
Bukod kay Enrile, inabswelto rin ng Sandiganbayan sa kasong plunder ang Chief of Staff ni Enrile noong siya ay Senate President pa na si Jessica ‘Gigi’ Reyes at maging ang negosyanteng si Janet Lim Napoles na sinasabing utak ng PDAF Scam.
Ayon sa 3rd Division ng Sandiganbayan, bigong patunayan ng prosekusyon sa pamamagitan ng mga ebidensya na sangkot si Enrile sa kasong plunder.
Dahil sa pagkaabswelto dito ay lifted na ang nakalabas na hold departure order laban kay Enrile at Reyes.
Sa panig ni Napoles ay patuloy itong makukulong dahil sa conviction sa mga naunang kaso na ipinataw sa kanya ng korte.
Ang kaso ay nag-ugat sa umano’y maanomalyang paggamit sa P172 milyong halaga ng Priority Development Assistance Fund noon ni Enrile na idinaan sa mga bogus na NGO’s ni Janet Lim Napoles.
- Latest