^

Police Metro

Pangulong Marcos nakabantay sa sitwasyon sa Taal

Gemma Garcia - Pang-masa
Pangulong Marcos nakabantay sa sitwasyon sa Taal
Phivolcs said the steam-driven eruption was recorded between 5:11 and 5:24 a.m.
The STAR / Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Nakabantay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kaganapan matapos ang pagsabog ng bulkang Taal nitong Miyerkules ng hapon.

Sinabi ng Pangulo, hindi na kailangang magbigay ng direktiba dahil alam na ng mga lokal na opisyal ang gagawin sa mga panahong mayroong kalamidad, lindol o pagsabog ng bulkan.

Nakalatag na aniya ang standard operating procedures sa mga ganitong pagkakataon at ang ginagawa na lamang ng national government ay imonitor at alamin ang mga lugar na dapat tutukang mabuti.

Kapag aniya kaila­ngang ilikas na ang mga tao ay agad na pakikilusin ang mga local government unit kaya nakatutok ang Palasyo sa mga kaganapan sa pag-alburoto ng bulkang taal.

“Right now, Phivolcs is saying huwag muna natin alalahanin masya­do, but I am sure they will play it safe. Kapag kaila­ngan, we will move people out of the danger like we always do. So that is what we are monitoring,” dagdag ng Pangulo.

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with