^

Police Metro

Mga tripulante ng 2 barko na sangkot sa ‘paihi’, pinakakasuhan

Mer Layson - Pang-masa
Mga tripulante ng 2 barko na sangkot sa ‘paihi’, pinakakasuhan
Motor tankers Tritrust and Mega Ensoleile are in the custody of the Bureau of Customs for alleged involvement in fuel smuggling, at the Navotas fish port.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Pinasasampahan nang piskalya ng kaso ang mga tripulante ng MT Tritrust and MT Mega ­Ensoleilee, ang dalawang fuel ­tankers na nahuli ng Bureau of Customs (BOC) sa ­aktong ilegal na paglilipat ng smuggled fuel sa Navotas Port, dahil sa pagbibiyahe ng unmarked fuel sa commercial quantity.

Sa pitong pahinang resolusyon mula sa Office of the City Prosecutor sa Navotas City na may petsang Setyembre 21, 2024, nabatid na nakakita ang prosecutor ng reasonable grounds para sampahan ng kasong kriminal ang mga tripulante dahil sa paglabag sa Section 265-A ng National Internal Revenue Code (NIRC), na inamiyendahan ng Section 80 ng Republic Act 10963, o The Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Pinuri naman ni BOC Commissioner Bien Rubio ang mabilis na aksiyon ng Manila International Container Port Customs Intelligence and Investigation Service (MICP-CIIS) nang magsagawa ng fuel marking test on the spot na nag­resulta sa pagkakaaresto sa mga tripulante ng dalawang fuel vessels.

Sa Section 80 ng Republic Act No. 10963 (TRAIN law) na nag-aamiyenda sa 265-A ng NIRC, nakasaad na ang mga taong mapapatuna­yang sangkot sa pagbebenta, pagkalakal, deli­very, distribusyon, at transportasyon ng unmarked fuel ay pagmumultahin ng P2.5 milyon para sa unang paglabag; P5 mil­yon para sa ikalawang paglabag; at P10 milyon sa ikatlong paglabag, gayundin ang pagbawi sa kanilang license to engage sa anumang trade o business. Tiniyak naman ni BOC-CIIS Director Verne Enciso na patuloy na tutugisin ng BOC, katuwang ang Department of Justice (DOJ), ang lahat ng fuel smugglers at sinumang sangkot sa ilegal na paglilipat ng fuel, o paihi system.

Ang MT Tritrust ay nahuling nagbibiyahe ng 320,463 litro ng unmarked diesel fuel habang ang MT Mega Ensoleilee ay may karga namang 39,884 litro ng unmarked diesel fuel.

Ang smuggled fuel mula sa dalawang ­tankers ay tinatayang aabot sa humigit-kumulang sa P20,350,000.

PAIHI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with