^

Police Metro

Mahigpit na seguridad sa filing ng COC, tiniyak ng PNP

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Aabot sa 1,389 pulis ang ikakalat sa National Capital Region (NCR) sa paghahain ng certificate of candidacy (COC) ng mga kakandidato sa 2025 national at local elections na magsisi­mula ngayong araw.

Sinabi ni NCRPO Director, P/Major Gene­ral Jose Melencio Nartatez Jr. na may 1,389 na tauhan ng NCRPO ang ipapakalat upang mapahusay ang police visibility sa lahat ng itinalagang lokasyon sa paghahain ng COC kabilang ang mga tanggapan ng Comelec at iba pang pangunahing lugar.

Inatasan din ni Nartatez mga district director na tiyaking may sapat na tauhan na nakatalaga upang pamahalaan ang crowd control at daloy ng trapiko at magbigay ng tulong sa pamamagitan ng mga help desk para sa mga kandidato at publiko.

Tuluy-tuloy din ang pakikipag-ugnayan ng NCRPO sa Commission on Elections (Comelec), local government units, at iba pang pangunahing stakeholder para matiyak ang maayos na proseso sa rehiyon sa filing ng COC sa loob ng Oktubre 1-8.

Tiniyak ng Team NCRPO sa publiko ang kanilang kahandaan na panatilihin ang kapayapaan at seguridad sa buong panahong ito. Ang mga pagpupulong ng koordinasyon sa iba’t ibang ahensya at stakeholder ay nagpapatuloy upang matugunan ang mga posibleng hamon at matiyak ang mabilis na pagtugon sa mga umuusbong na sitwas­yon.

 

vuukle comment

CERTIFICATE OF CANDIDACY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with