^

Police Metro

HEALING Agenda muling ibinida ni Quezon Gov. Tan

Tony Sandoval - Pang-masa
HEALING Agenda muling ibinida ni Quezon Gov. Tan
Si Quezon Gov. Dra. Helen Tan sa kanyang ika-2 State of Province Address o SOPA.

MANILA, Philippines — Muling ibinida ni Que­zon Gov. Doktora ­Helen Tan, ang ­HEALING Agenda sa kanyang ika-2 ulat sa Lalawigan o State of the Province Address (SOPA) na isinagawa kahapon sa Que­zon Convention Center, Lucena City.

“We intend to do ­better. We resolve to do more good to our people. We hope and pray for the best. And the best is yet to come. SOAR HIGH QUEZON!” ayon pa sa kauna-unahang babaing gobernadora ng lalawigan ng Quezon.

Ibinahagi ni Tan ang mga naging pagbabago, progreso, at kaunlarang natamasa ng lalawigan sa nakalipas na mga buwan na naaayon sa HEALING Agenda, na may kahulugang Health, Education, Agriculture, Livelihood, Infrastructure, Nature/Environment & Tourism, at Good Governance.

Anya, kabilang sa matagumpay na naisakatuparang serbisyong naihatid ang Medical Mission o ang programang “Lingap sa Mamamayan, Libreng Gamutan” at may mahigit kumulang 136,000 Quezonian na ang nakinabang.

Nakapagtala ng 51,000 benepisyaryo ang nakinabang sa prog­ramang AICS, habang 2,882 benepisyaryo ang nabigyan ng P10,000 mula sa ipinagkaloob na Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolks and other Families ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Isa rin sa ipinagmalaki ng gobernadora ang mahigit isang milyong turistang nakiisa sa makulay na pagdiriwang ng Niyog­yugan Festival ngayong taon.

HELEN TAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with