^

Police Metro

Utang ng mga Tarlac farmers sa gobyerno, burado na - Marcos

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Burado na mula sa pagkakautang na P124 milyon ang may 3,527 na magsasaka sa Tarlac.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa pamamahagi ng 4,663 Certificates of Condonation and Release of Mortgage sa mga Agra­rian Reform Beneficia­ries (ARBs) sa Paniqui, Tarlac, sinabi nito na malaking tulong sa mga magsasaka ang pagbura sa pagkakautang ng mga magsasaka.

Kabilang sa mga binu­radong utang ay ang unpaid principal amortizations, interest at surcharges ng mga ARBs sa agricultural lands na iginawad sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program dahil sa nilag­daang Republic Act 11953 or the New Agra­rian Emancipation Act (NAEA) ni Pangulong Marcos noong Hulyo ng nakaraang taon.

Pinayuhan naman ni Pangulong Marcos ang mga magsasaka na samantalahin ang oportunidad at pagyamanin ang mga lupang sinasaka.

FERDINAND MARCOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with