Binata todas sa hazing ng fraternity
MANILA, Philippines — Isang 18-anyos na binata na biktima umano ng hazing ang nasawi kahapon sa Barangay San Anton, San Leonardo, Nueva Ecija.
Kinilala ang nasawi na si Ren Joseph Bayan, ng Purok 6, Barangay San Pablo, Jaen ng nasabing lalawigan.
Kinilala naman ang dalawang suspek na si Baron Cabado at Patrick Guinto, pawang miyembro ng isang fraternity, residente Brgy. San Pablo, Jaen, na ngayon ay pinaghahanap na ng pulisya.
Ayon pa sa report, nagtungo sa Jaen Police Station ang kamag-anak ng biktima at inireport sa mga pulis ang pagkamatay umano sa hazing ng binatilyo.
Sa ginawang initial investigation at mga nakalap na impormasyon mula sa mga testigo, nalaman na alas-5:00 ng hapon kamakalawa nang dalhin ng mga suspek ang katawan ng biktima sa kanilang tahanan sa Brgy. San Pablo, Jaen, Nueva Ecija at agad na tumakas.
Humingi na ng tulong ang Jaen MPS sa Nueva Ecija Provincial Forensic Unit para sa pagsasagawa ng autopsy para malaman ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.
- Latest