^

Police Metro

Alice Guo nakatrabaho ng Chinese spy

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Alice Guo nakatrabaho ng Chinese spy
Ito ang ibinunyag ng Chinese ‘spy’ na si She Zhijiang sa Al Jazeera documentary at sinabi nito na nagkakaso siya sa China at pinaaresto sa kasong illegal gambling.
House of Representatives

‘Paniniktik’ sa Pinas simula pa noong 2016

MANILA, Philippines — Taong 2016 nang magsimula ang ‘paniniktik’ sa Pilipinas kung saan nakatrabaho si dating Bamban Mayor Alice Guo.

Ito ang ibinunyag ng Chinese ‘spy’ na si She Zhijiang sa Al Jazeera documentary at sinabi nito na nagkakaso siya sa China at pinaaresto sa kasong illegal gambling.

Pinangakuan siya ng kanyang recruiter na ibabasura ang kanyang kaso kung tatanggapin ang ‘intelligence work’.

Dito na nagsimula ang kanilang paniniktik kasama si Guo para sa Ministry of State Security ng China na umano’y secret police agency ng communist party.

Sinegundahan din ni She ang imbestigasyon ng Senador na purong Chinese si Guo na ang ina ay si Lin Wen Yi.

Ani She, nakasaad din aniya sa record na si Guo Hua Ping ay tumira sa Fujian province na local address Communist Party ng China.

Dagdag pa ni She, sinira ng China ang kanilang buhay ni Guo at dapat nang sabihin ni Guo ang totoo.

Si She ay kasaluku­yang nakapiit sa Thailand at naghain ng repatriation sa China.

“Hindi po ako spy. Totally po hindi ako spy. Hindi ako ang nasa picture at hindi rin po ako ang sinasabi niya. Kakausapin ko ang ­aking abogado lalo na sa network, magdedemanda ako,” wika ni Guo.

Ayon naman kay Senate President Francis Escudero, desisyon na ng Departments of Justice (DOJ) at Foreign Affairs (DFA) kung makiki­pag-ugnayan sa Thailand authorities para mas maimbestigahan ang ibinunyag ni She laban kay Guo.

vuukle comment

ALICE GUO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with