^

Police Metro

Romualdez sa rice importers: Ipakalat na sa pamilihan ang 523 containers ng imported rice

Mer Layson - Pang-masa
Romualdez sa rice importers: Ipakalat na sa pamilihan ang 523 containers ng imported rice
House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez
STAR / Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Umapela si House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga importer ng 523 containers ng imported rice na nakatengga sa yarda ng Manila International Container Port (MICP) ng Bureau of Customs (BOC) na agad ipakalat ang mga ito sa mga pamilihan upang makatulong sa pagpapababa ng presyo ng bigas. Ang apela ay ginawa ni Speaker Romualdez matapos na pangunahan ang on-site inspection sa MICP nitong Miyerkules ng hapon, kasunod na rin ng mga ulat na mahigit 800 containers o aabot sa 23 million kilos ng imported na bigas ang nakatengga ng matagal sa nasabing port.

Kasama ni Speaker sa pag-iinspeksiyon sina House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo at ACT-CIS partylist Rep. Edvic Yap at mga opisyal ng BOC sa pamumuno ni Commissioner Bienvenido Rubio.

Batay sa record ng BOC, nasa 523 containers ng imported rice ang kasaluku­yang nakatengga sa MICP na nagkakahalaga ng P750, 000 kada container.

Nagsagawa ng pagbisita si Romualdez sa MICP dahil na rin sa patuloy na reklamo ng rice shortage sa kaniyang mga market visit nitong mga nagdaang araw.

Sinabi pa ni Romualdez na tila sinasamantala ng ilang mga importer ang reglementary period sa BOC bago nila ilabas ang kanilang mga bigas dito.

Ang naturang inspeksyon sa BOC ay bahagi pa rin ng tuluy-tuloy na kampanya ng House of Representatives para masawata ang rice hoarding at smuggling sa bansa, para masiguro ang murang bigas sa merkado na siyang pangunahing layunin ng administrasyon ni Pangulong Marcos upang masiguro ang maayos na food supply sa bansa.

RICE IMPORTER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with