Maliit ang epekto sa mga pasahero ng tigil-pasada - DOTr
MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Department of Transportation (DOTr) na maliit lang ang naging epekto sa mga pasahero sa ikinasang tigil-pasada ng transport group na Manibela at Piston na sinimulan kahapon.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na palaging handa ang departamento at iba pang ahensiya ng pamahalaan sa ganitong mga senaryo.
“Yung strike, itong string ng Manibela at Piston pang-ilang beses na nilang ginagawa pero naipakita naman natin na ang DOTr at ang ibang mga agencies ay ready, prepared, dahil sa ngayon, napakarami na nung sumusuporta doon sa ating public transport modernization program,” ayon sa Kalihim.
“Kaya nga aniya, hindi na hindi na nila ito masyadong pinapansin lalo pa’t hindi naman nakakaapekto sa kalagayan ng mga existing transport system dahil mahigit sa 83% ang sumusuporta aniya sa programa ng DOTr at ang lahat ng ito aniya ay hindi sumasama sa transport strike,” ang sinabi pa rin ng Kalihim.
Ikinagalak ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III na walang na-stranded na pasahero sa lahat ng mga spots na kailangang minomonitor.
Sinabi pa rin niya na nag-deploy rin ang LTFRB ng “Libreng Sakay” vehicles para sa mga mahihirapang sumakay kasunod ng tigil-pasada.
- Latest