2 sakay ng motor salpok sa poste, todas
MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang magkaibigan matapos na sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa poste habang bumabaybay sa kalsada na sakop ng Brgy. San Rafael 4, Noveleta, Cavite, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ang nasawing magkaibigan na sina Mark John Mendoza, 24; at John Martin Francisco, 20, kapwa residente ng Brgy. Ligtong III, Rosario, Cavite.
Sa ulat ng pulisya, bago naganap ang aksidente, ala-1:00 ng madaling araw ay magkaangkas ang mga biktima sa motorsiklo at bumabagtas sa nasabing lugar patungo ng Cavite City.
Dahil umano na may kabilisan pagpapatakbo ng motor ay nawalan ng kontrol ang mga ito at tuluy-tuloy na sumalpok sa malaking poste sa gilid ng kalsada
Sa tindi ng pagkakasalpok ng mga ito ay nawasak ang motor na agad ding ikinamatay ng magkaibigan na inaalam pa kung ang mga ito ay nakainom ng alak.
- Latest