^

Police Metro

Gov. Tan ikinagalak ang desisyon ng SC na ibukod ang Sulu sa BARMM

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kahit pa hindi na pa­yagang makatakbo bilang Chief Minister ng Sulu sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay masaya at tanggap ni Sulu Gov. Abdusakur Tan ang desisyon kamakailan ng Supreme Court (SC) na nag-aalis sa Sulu sa BARMM.

Matatandaang sa desisyon ng SC, sinang-yunan nito ang validity ng BARMM organic law at bukod dito, inaalis na rin ang Sulu sa rehiyon at ibinalik na ito sa pamumuno ng national government.

Si Gov. Tan ay nag-anunsyo na kamakailan na tatakbong Chief Mi­nister ng BARMM, pero dahil sa desisyon ng SC, pinagbabawalan na itong makatakbo sa halalan dahil siya ay tubong Sulu na hindi na sakop ngayon ng BARMM. “Kahit hindi na ako pwede tumakbo bilang Chief Minister sa BARMM ay masayang masaya pa rin kami dahil pinaboran ng Supreme Court ang peti­syon namin na dapat hindi kami kasali sa BARMM,” ayon kay Gov. Tan.

Idinagdag pa ni Tan ang namuno noon sa petition sa SC para tutulan ang pagsama ng Sulu sa BARMM na “ngayong hiwalay na kami (sa BARMM) ay umaasa kami sa national go­vernment na gaganda na ang development sa Sulu lalong lalo na ang health services”.

Umaasa rin si Tan na gaganda na rin ang kalidad ng edukasyon sa Sulu na matagal napabayaan simula nang mapasama sila sa BARMM tulad ng kakulangan ng mga guro at classroom.

SULU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with