^

Police Metro

Grade 12 student ni-rape/slay ng ka-chat sa FB

Joy Cantos, Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang Grade 12 student ang ginahasa at pinatay sa loob ng isang motel ng lalaki na nakilala lamang nito at naka-chat sa facebook sa Toledo City, Cebu. ayon sa ulat nitong Sabado.

Ang biktim na naki­lalang si Mae Fatima Tagactac, 18-anyos, residente ng Brgy. Mainggit, Toledo City ay natagpuang wala ng buhay sa loob ng kuwarto ng isang lod­ging house sa Brgy. Poblacion, Toledo City nitong Setyembre 20, alas-8:00 ng umaga.

Pinaghahanap naman ang suspect na si Lorben Cabugsan na kasama ng biktima na pumasok sa lodging house.

Nagsagawa agad ng manhunt operation ang pulisya laban sa suspek na nakunan ng larawan sa CCTV habang nagmamadaling palabas sa nasabing lodging house ilang oras bago madis­kubre ang krimen.

Base sa report, ang bangkay ng biktima ay nakabalot sa kumot at nakatali ang bibig ng makapal na panyo na indikasyong ginamitan ito ng puwersa.

Lumilitaw sa imbestigasyon na nakipagkita ang biktima sa suspect na naka-chat lamang nito sa facebok noong Huwebes ng gabi kung saan ay nabigo na itong umuwi ng kanilang bahay.

Ayon sa pahayag sa mga otoridad ni Jelvin, kapatid ng biktima na nagpaalam pa ang kaniyang kapatid noong Huwebes ng hapon na dadalo lamang umano sa praktis ng sayaw sa kanilang eskuwelahan.

Hindi umano sukat akalain ng kaniyang pamilya na may kakatagpuing lalaki ang biktima na nakilala at naka-chat lamang nito sa facebook habang sinabi naman ng mga kaklase ng biktima na hindi totoong may praktis sila ng sayaw ng nasabing araw.

Nabatid pa na nadiskubre lamang ang krimen matapos na katukin ng attendant ang room ng mga biktima at ng walang nagbubukas ay ginamit ang master key at dito na natuklasan na pinaslang ang nasabing estudyante.

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with