^

Police Metro

Alice Guo ililipat sa Pasig City Jail

Mer Layson - Pang-masa
Alice Guo ililipat sa Pasig City Jail
Mahigpit kahapon ang seguridad ng pulisya sa bisinidad ng Valenzuela City Regio­nal Trial Court sa pagdating ni Alice Guo para sa kanyang arraignment sa graft charges. Pero iniliban ang arraignment sa September 30.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Naglabas ng kautusan ang Pasig Regional Trial Court (RTC) na ilipat ng kulu­ngan si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Pasig City Jail mula sa Camp Crame na may koneksyon sa qualified trafficking case.

Sa apat na pahinang kautusan ni Pasig City Regional Trial Court Branch 167 Presiding Judge Annielyn Medes-Cabelis ay ipinalilipat si Guo sa female dormitory ng Pasig City Jail, mula sa custodial facility ng Philip­pine National Police (PNP) sa Camp Crame.

Bukod kay Guo, ipinag-utos na rin ng hukuman na mailipat ng Pasig City Jail Male Dormitory ang kanyang kapwa akusado na si Walter Wong Long mula sa Tarlac Provincial Jail.

Dahil isang non-bailable case, hindi pinapayagan ng hukuman na maglagak ng piyansa ang mga akusado para sa kanilang pansamantalang kalayaan.

Inisyuhan na rin ng hukuman ng warrant of arrest ang iba pang akusado na nakakalaya pa.

Kabilang dito sina Huang Zhiyang, Rachelle Joan Malonzo Carreon, Zhang Ruijin, Baoying Lin, Yu Zheng Can, Dennis Cunanan, Jamielyn Cruz, Roderick Pujante, Juan Miguel Alpas, Merlie Joy Castro, Rita Yturralde, Rowena Evangelista, Thelma Laranan at Maybelline Millo alyas Shana Yiyi.

Nabatid na nakitaan ng Pasig RTC ng probable cause ang lahat ng akusado upang litisin kaugnay ng mga krimeng isinampa laban sa kanila.

Itinakda na rin naman ng hukuman ang arraignment at pre-trial conference para kina Guo at Long sa Setyembre 27, ganap na alas-8:30 ng umaga.

ALICE GUO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with