^

Police Metro

Vietnamese arestado sa pagbebenta ng droga

Angie dela Cruz - Pang-masa
Vietnamese arestado sa pagbebenta ng droga
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago na inaresto ang suspek na si Van Dai Do, alyas “Zhilong” nang makumpirma ang ginagawang pagbebenta ng bawal na gamot tulad ng Ketamine at Ecstacy sa Pasay City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang Vietnamese national ang naaresto ng mga operatiba ng Natio­nal Bureau of Investigation (NBI) Dangerous Drugs Division sa isang buy bust operation sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago na inaresto ang suspek na si Van Dai Do, alyas “Zhilong” nang makumpirma ang ginagawang pagbebenta ng bawal na gamot tulad ng Ketamine at Ecstacy sa Pasay City.

Sa pamamagitan ng impormante, nag-order ito ng Ketamine at Ecstasy sa suspek sa pamamagitan ng online banking payment sa isang bangko sa Vietnam.

Matapos ang bayaran, nagkita ang suspek at impormante sa isang convenience store sa ground floor ng isang condomi­nium sa Pasay City kung saan nakatira ang suspek.

Nang makuha ang illegal drugs ay agad namang hinuli ng mga operatiba ng NBI ang suspek.

Nang tanungin ng NBI ang suspek sa passport nito, sinabing ito ay nasa kanyang unit at nang isama ang mga operatiba sa tirahan nito ay dito ay nakita ang limang Vietnamese nationals na nagsasaya.

Habang hinihintay na maipakita ng suspek ang kanyang passport sa mga operatiba ay nakakita ang mga ito ng marijuana na nakasilid sa isang transparent jar na nasa loob ng kuwarto ng suspek.

vuukle comment

DRUGS

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with