^

Police Metro

Engineer, survey aide nalunod sa Angat river

Omar Padilla - Pang-masa
Engineer, survey aide nalunod sa Angat river
Sa ulat na ipinadala kay Police Regional Office 3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., kinilala ng Bulacan police ang mga biktima na sina Engineer Roxan Limus, 38, ng San Miguel, Burgos, Pangasinan at survey aide na si Dave Ma­ngahas, 24, ng Balolong Malaki, San Ildefonso, Bulacan.
Walter Bollozos/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Dalawang kawani ng isang construction firm na nagsasagawa ng river channel survey ang nalunod sa Angat River, Baliwag City, Bulacan.

Sa ulat na ipinadala kay Police Regional Office 3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., kinilala ng Bulacan police ang mga biktima na sina Engineer Roxan Limus, 38, ng San Miguel, Burgos, Pangasinan at survey aide na si Dave Ma­ngahas, 24, ng Balolong Malaki, San Ildefonso, Bulacan.

Sa salaysay ng kasamahan ng mga biktima sa pulisya na si Eng.Dennis Manuel, 52, ng Bgy. Talacsan, San Rafael, Bulacan, na sila ay mula sa CM Pancho Construction Company na magsasagawa sana ng river channel survey sa Angat River na bahagi ng Bgy. Makinabang.

Nabatid na tumawid sa ilog si Mangahas nang ito ay madulas at nahulog sa ilog kaya naman ay tumangkang sumaklolo si Limus subalit maging siya ay lumubog.

Nabigo naman ang mga kasama na sagipin sa pagkalunod ang dalawa kaya’t sila ay humingi ng tulong sa Baliwag police.

Agad na nagsagawa ang mga miyembro ng Baliwag City Public Assistance Command Center (PACC) ng search at retrieval operation at narekober ang bangkay ng dalawa sa magkahiwalay na lugar.

vuukle comment

ANGAT RIVER

LUNOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with