^

Police Metro

24 ex-PNP chief iniimbestigahan na sa POGO payola

Malou Escudero - Pang-masa
24 ex-PNP chief iniimbestigahan na sa POGO payola
Nasa 414 katao na magkahalong Chinese, Indonesians at Pinoys ang inaresto ng NCRPO-Regional Intelligence Division nang salakayin kahapon ang POGO hub sa ika-9 palapag ng The Centrium na matatagpuan sa Parañaque City. Ang mga inaresto ay pansamantala munang hindi pinalabas sa kanilang opisina.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Iniimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP) ang 24 na mga nagsilbi bilang PNP chief kung mayroon sa kanila ang umano’y tumanggap ng monthly payroll mula sa operasyong ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Ito ang kinumpirma ni PNP chief, Gen. Rommel Marbil habang binubusisi ng Senado ang panukalang pondo ng kanilang ahensya.

Ayon kay Marbil, hindi nila ikinalugod ang isiniwalat ni PAGCOR Senior Vice President for Security Retired General Raul Villanueva lalo na’t under oath o sumumpa ito sa pagdinig ng Senate Committee on Women and Children.

Kailangan aniyang linawin ito ni Villanueva dahil nakaaapekto ito hindi lamang sa buong hanay ng pambansang pulisya kundi maging sa peace and order ng organisasyon.

Sa ngayon aniya ay wala pa silang natatanggap na ulat mula kay Villanueva ngunit susulat na sila sa opisyal para hilingin na pangalanan na ang umano’y PNP chief na tumanggap ng payola mula sa operasyon ng POGO o kaya ay linawin mismo sa Senado kung wala talagang sangkot.

Sinabi naman ni Local Government Secretary Benhur Abalos wala siyang alam sa pinalutang ni Villanueva.

Gayunpaman, nais malaman ni Abalos kung sino ang tinutukoy ni Villanueva na hepe ng PNP na tumatanggap ng payola mula sa POGO.

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with