PNP may ‘person of interest’ na sa pagpatay sa pulis at misis
Away negosyo sinisilip na motibo…
MANILA, Philippines — Isa sa mga tinitingnan motibo sa pagpatay sa isang pulis at kaniyang misis sa Muntinlupa City, kamakalawa ay away negosyo.
Ito ang inihayag ni Police Captain Fernando Niefes, Chief Investigation, Muntinlupa Police dahil ang nasawing biktima na si Mary Grace na may negosyong onlive selling ng cosmetics ay idinemanda ‘yung tatlong dati niyang empleyado ng pagnanakaw dahil sa malaking pera ang sangkot.
Inihayag din ni Niefes na mayroon na silang mga “person of interest” at hindi muna nagbigay ng detalye sa katauhan ng mga POI dahil nasa proseso pa ng “elimination.”
Magugunita na ala-1:10 ng madaling araw nang pasukin ng salarin ang bahay ang mag-asawang Police Captain Aminoden Mangonday at asawa na si Mary Grace na kung saan unang binaril ang pulis sa ulo at isinunod ang misis na pinasok sa isang kuwarto at binaril din.
Nang maising ang isa nilang anak na 12-anyos at kakapagdiwang lang ng kaarawan ay binaril din ito ng salarin. Nakaligtas ang bata na dinala sa ospital para operahan.
Nabatid na pagod noon ang pamilya na kagagaling lang sa outing kung saan ipinagdiwang ang kaarawan ng kanilang anak kaya’t posibleng hindi nakandado ang pinto kaya’t nakapasok ang gunman.
Agad na inilibing ang mag-asawang biktima, alinsunod sa kanilang relihiyon.
- Latest