100% RFID Lane ipinatupad ng iba pang tollways
Para sa dryrun ng cashless transaction
MANILA, Philippines — Nagpatupad na rin 100% RFID Lanes ang Easytrip Services Corporation sa iba pang tollway sa bansa.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng dryrun sa pagpapatupad ng cashless o contactless transaction sa mga expressway simula Oktubre.
Sa abiso na ng Easytrip, ipinatutupad na rin ang 100% RFID Lanes sa North Luzon Expressway (NLEX); Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), Cavite–Laguna Expressway (CALAX), Cavitex C5 Link at NLEX Connector.
Inalis na ang mga cash lane at ang mga sasakyan na walang RFID Sticker ay pinadederetso na sa isang linya para sa installation ng sticker.
Kapag matapos na ang dryrun, lahat ng walang RFID na daraan sa mga tollway ay pagmumultahin na ng P1,000 sa unang offense, P2,000 sa ikalawang offense, at P5,000 sa mga susunod pang paglabag.
Nauna nang ipinatupad ang 100% RFID Lanes sa Manila–Cavite Expressway (Cavitex).
- Latest