^

Police Metro

17-anyos estudyante, utas sa boga ng sekyu!

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang estudyante ang patay matapos na barilin ng kanyang nakaaway na security guard sa Nia Road, Brgy. Dila, Sta Rosa City, Laguna nitong Biyernes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si JM Bagadiong Dongao, 17-anyos, residente ng Southville 4, Barangay Pook, Sta Rosa City.

Ayon sa report, dakong alas-9:30 ng umaga nang makaaway ng biktima ang security guard ng construction site ng railway project na si alyas Andrew.

Nagalit umano ang suspek dahil sa palagiang pagtawid ng biktima sa ginagawang riles ng tren.

Sa gitna sagutan ng dalawa, nalaglag sa putik ang cellphone ng sekyu at sinipa pa ito ng estudyante.

Lalong nagalit ang suspek at nagbunot ito ng baril at pinaputukan ang biktima na agad nitong ikinasawi.

Tumakas ang suspek matapos ang insidente at pinaghahanap pa ito ngayon ng mga awtoridad.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with