^

Police Metro

5 volcanic quakes naitala sa Kanlaon

Joy Cantos, Angie dela Cruz - Pang-masa
5 volcanic quakes naitala sa Kanlaon
Bukod dito, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nagtala rin ang naturang bulkan ng 10, 880 tonelada ng asupre at namonitor ang pamamaga ng bulkan.
Interaksyon / PNA file

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Bulkang Kanlaon sa Negros ng limang volcanic earthquake sa nakalipas na 24 oras na pagsubaybay sa bulkan.

Bukod dito, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nagtala rin ang naturang bulkan ng 10, 880 tonelada ng asupre at namonitor ang pamamaga ng bulkan.

Dulot nito, patuloy na ipinagbabawal ng Phivolcs na pumasok ang sinuman sa loob ng 4 km radius Permanent Danger Zone (PDZ) at paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan dulot nang inaasahang biglaang pagputok ng steam o phreat­ic explosions sa bulkan.

Ang Kanlaon ay patuloy na nasa ilalim ng alert level 2 na nangangahulugang may abnormal na aktibidad na nagaganap sa loob ng naturang bulkan.

Bunsod nito, umalerto na ang tropa ng Armed Forces of the Philippines-Visayas Command (AFP-VISCOM) kaugnay ng patuloy na pag-aalburuto at banta ng panganib ng Kanlaon volcano sa Western Visayas.

PHIVOLCS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with