^

Police Metro

19-anyos most wanted sa 2 sexualassault, 2 statutory rape timbog!

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 19-anyos na nakatala na “top. 1 most wantedperson” dahil sa 2-counts of rape at 2-counts ng sexual assault ang bumagsak na sa kamay ng mga awtoridad sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.

Ang akusado na si alyas “Toby”, Rank 1 most wanted person (MWP) ng Southern Police District (SPD) para sa buwan ng Setyembre 2024 ay nadakip alas-6:00 ng gabi sa Barangay 197, Pasay City ng mga tauhan ng Pasay City Police-Warrant and Subpoena Unit gamit ang mga warrant of arrest na inisyu ni Judge Christian Pascual Castaneda, Presiding Judge of Regional Trial Court Branch 109, Pasay City.

May inirekomendang piyansa ang korte na P120,000.00 sa bawat bilang ng kaso na may kabuuang P480,000 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Samantala, arestado rin ang isang delivery rider si alyas “Russel”, 24, ng Makati City sa kasong rape na walang kaukulang piyansa.

Si Russel na top 4 most wanted-station level ay naaresto sa Araro St. corner Casino St., Brgy. Palanan, Makati City alas-12:15 ng hapon nitong Sety. 13 ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Unit ng Makati CPS.

Sa kasong frustrated murder naman, inaresto ang isang 43-anyos na si alyas “Bebe”, top 9 MWP ng Pasay City Police, sa F. B. Harrison St., Brgy 70, Pasay City alas- 2:00 ng hapon ng parehong araw.

Isang top 5 most wanted person ng General Santos City na si alyas “Aljim”, 46, construction worker ay naaresto naman ng mga operatiba ng Makati Police Warrant and Subpoena Unit at Gen. Santos Police sa Canlantas St., Brgy. San Antonio Village, Makati City ala-1:30 ng hapon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) na wala ring piyansa.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with