^

Police Metro

Quiboloy nag-plead ng ‘not guilty’ sa kasong human trafficking

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naghain ng “not guilty plea” sa Pasig Regional Trial Court Branch 159 si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) lider Pastor Apollo Quiboloy at apat pa niyang kapwa akusado nang basahan ng sakdal sa kasong qualified human trafficking na kinakaharap sa Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 159 kahapon.

Ito ang kinumpirma ng abogado ni Quiboloy, na si Atty. Israelito ­Torreon nang makapanayam ng media matapos ang isinagawang arraignment sa mga akusado.

Paliwanag ng abogado, walang kasalanan ang kanyang kliyente kaya’t naghain ng not guilty plea sa hukuman.

Kinumpirma rin niya na ang susunod na pagdinig sa naturang non-bailable offense ay itinakda ng hukuman sa Oktubre.

Nabatid, alas-7:40 ng umaga nang dumating si Quiboloy sa korte mula sa Camp Crame, habang inies­kortan ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP).

Nakasuot siya ng protective helmet at bulletproof vest at nakasuot ng face mask at sunglasses.

Kasama niyang humarap sa hukuman ang mga kapwa akusado na sina Jackielyn Roy, Cresente Canada, Paulene Canada, Ingrid Canada, at Sylvia Cemane.

Nagdesisyon din ang hukuman na mananati­ling nakapiit si Quiboloy sa Camp Crame dahil sa security risk kung saan kaagad siyang ibinalik matapos ang arraignment.

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with