Food rider na dinukot, pinatay sangkot sa droga
MANILA, Philippines — May kaugnayan umano sa illegal drug activities ang pagdukot at pagpatay ng limang nagpakilalang pulis sa Panda food delivery rider na ikinasugat naman ng partner nitong babae na online seller naganap kamakailan sa Brgy. Maduya, Carmona, Cavite.
Ito ang lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na ang nasawing Panda food rider na si John Mark Samonte, 24, ay kasama sa drug trader bilang isang courier habang ang kanyang babaeng kinakasama na online seller na Marithe Ashley Tila, ay walang alam sa maling gawain ng kinakasama.
Nabatid na ang biktimang si Samonte ay pinaghahanap ng mga miyembro ng droga dahil sa hindi nito pag-remit ng kanyang koleksyon ng droga.
Ayon pa sa pulisya na pinalawak umano ng drug group ang kanilang operasyon sa Carmona area matapos silang maiinitan at tinutugis ng mga anti-drugs operatives sa Pasay City.
Natukoy na ng pulisya ang isa sa limang armadong lalaki na si alyas LJ na itinuro bilang lider ng drug ring na nag-o-operate sa Pasay City at Carmona City, Cavite.
Sinabi ni Tila sa mga imbestigador na pumunta sila ni Samonte sa Carmona City para makipagkita sa grupo ni alyas LJ at narinig nila ang isa sa limang armado na nakikipag-usap sa pinuno na tinawag siyang heneral at sir kaya’t naisip nito na ang limang suspek ay mga pulis.
Itinanggi ng mga nag-iimbestiga na miyembro ng pulisya ang limang armadong suspects matapos Masuria ng nakuhang CCTV camera na nakakabit malapit sa crime site.
- Latest