^

Police Metro

P1.3 bilyon tinapyas sa budget ni VP Sara

Joy Cantos - Pang-masa
P1.3 bilyon tinapyas sa budget ni VP Sara
Vice President Sara Duterte attends a budget hearing for the Office of the Vice President on August 20, 2024.

MANILA, Philippines — Nasa P 1.3 bilyon ang tinapyas ng House Committee on Appropriations sa pondo ng Office of the Vice President (OVP) mula sa P 2.037 bilyong panukalang pondo sa ilalim ng 2025 national budget ng pamahalaan.

Kinumpirma ni Marikina City 2nd District Rep. Stella Quimbo, Senior Vice Chairperson ng House Committee on Appropriations na ang pagtapyas ng malaking pondo sa OVP ay siyang napagkasunduan ng mga miyembro ng komite.

Ayon kay Quimbo, tinanggal ng budget panel ang pondo sa mga social programs na ililipat na lamang sa mga karapat-dapat na ahensiya at maging ang sobra-sobrang satellite offices ng OVP na nasa 10 ang bilang  at 2 ang extension offices na nasa P53 milyon ang pondo o P2.9 milyon bawat isa nitong nakalipas na taon ang gastusin. Binawasan ang pondo na mula sa P80-M ay ginawa na lamang itong P32 milyon.

 Sinabi ni Quimbo, na bumoto ang mayorya ng mga miyembro ng komite na bawasan ang pondo ng OVP ng P1.3 bilyon mula sa P2.037 bilyong panukalang budget para sa susunod na taon kung saan sa makatuwid ay P733 milyon na lamang ang matatanggap ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte taliwas sa pahayag nitong kundi piso ay zero budget.

Kabilang naman sa tinapyas na pondo na ililipat ay ang P947 milyon para sa Financial Assistance (FA) ng OVP na ibibigay sa AICS (Assistance to Individuals in Crisis Situation) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at medical assistance program ng Department of Health (DOH) na nasa P646 milyon.

BUDGET

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with