^

Police Metro

Babae na kasama dinamay dalaga tinodas ng ex-lover na parak

Doris Franche-Borja, John Unson - Pang-masa
Babae na kasama dinamay dalaga tinodas ng ex-lover na parak
Ang mga nasawi ay kinilalang sina Janeth Catarman Besa, 25, residente ng Brgy. San Vicente; at Karyl Mae Abanggan, 21, ng Brgy. Tumanan ng nasabing bayan.
Wikipedia

MANILA, Philippines — Isang 25-anyos na dalaga at kanyang kasama na babae ang nasawi nang pagbabarilin sila ng dating karelasyong pulis habang kumakain sa isang bar, nitong Lunes ng umaga sa Bislig City, Surigao del Sur.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Janeth Catarman Besa, 25, residente ng Brgy. San Vicente; at Karyl Mae Abanggan, 21, ng Brgy. Tumanan ng nasabing bayan.

Agad naaresto ang suspek na kinilalang si Police Master Sergeant Kenneth Viola Cacho, taga-Barangay Poblacion, Cateel Davao Oriental at kasapi ng Provincial Drug Enforcement Unit Davao Oriental Provincial Police Office na dating karela­s­yon ni Besa.

Sa ulat ng Bislig City Police Office, naganap ang krimen, alas-11:20 ng gabi nitong Lunes sa isang bar na matatagpuan sa Purok 3, Bongaitan District, Mangagoy Bislig City.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, nakipaghiwalay si Besa kay Cacho nang malaman na ito ay mayroon ng asawa hanggang sa nagkrus ang kanilang landas sa nasabing lugar.

Habang kumakain ang mga biktima, nilapitan sila ni Cacho at kinausap si Besa na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa bumunot ito ng baril at pinagbabaril ang dalawa.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktima na naging sanhi ng agaran nilang kamatayan.

Matapos ang krimen, tinangkang tumakas ng suspek na kalaunan ay nadakip ng mga tauhan ng Bislig-PNP at Police Regional Office-13.  

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with