^

Police Metro

3 tiklo sa higit P775 milyong shabu sa Cavite

Doris Franche-Borja - Pang-masa
3 tiklo sa higit P775 milyong shabu sa Cavite
Unang operasyon ay inilatag, alas-6:26 ng gabi sa Brgy. Pasong Buaya II at naaresto ang dalawang suspek na sina alyas Larry, 37; mekaniko at alyas Jan, 26, motor shop owner, kapwa kilala umanong bigtime drug dealer at pusher sa Region 4-A.Nakumpiska sa mga ito ang may 210 kilong  shabu na may halagang  P748 milyong piso.
Miguel De Guzman, File

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa P775.2 milyong pisong halaga ng shabu ang nasabat ng pulisya sa dalawang magkasunod na drug ope­ration na ikinaaresto ng tatlong drug suspect sa Imus City, Cavite, kama­kalawa ng gabi.

Unang operasyon ay inilatag, alas-6:26 ng gabi sa Brgy. Pasong Buaya II at naaresto ang dalawang suspek na sina alyas Larry, 37; mekaniko at alyas Jan, 26, motor shop owner, kapwa kilala umanong bigtime drug dealer at pusher sa Region 4-A.Nakumpiska sa mga ito ang may 210 kilong  shabu na may halagang  P748 milyong piso.

Dakong alas -9:58 naman ng gabi nang ikasa ang ikalawang buy-bust sa Brgy. Buhay na Tubig ng nasabi ring lungsod at naaresto ang isang alyas Adie, nasa hustong gulang, kilala ring bigtime dealer at pusher ng lalawigan at nakum­piska ang 4 transparent vacuum sealed plastic pack na naglalaman ng 4 kilo ng shabu na may halagang P27.2-M. - Cristina Timbang, Ed Amoroso-

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with